i've been smoking for 4 years now (except weekends, holidays, breaks--so parang yan din ang mga panahong walang student discount sa pamasahe). masasabi kong hindi ako adik kahit ganon. hindi ko siya hinahanap-hanap pag andito ako sa bahay lalo na kung sembreak. tamang chill lang, pag nasa malayo, go lang pag nasa restricted area (bahay) ko, edi bawal at wala akong magagawa. buong buhay ko siyang tinago sa magulang ko. noon akala ko hindi darating ang araw na malalaman nila to. hanggang sa..
lately sobrang stressed ako sa trabaho--physically and emotionally. bukod sa mga kaibigan ko sa trabaho, yosi ang naging kakampi ko para malaban ang bigat na nararamdaman ko. aminin natin, hindi naman siya masarap pero may bagay na hindi ko maipaliwanag kung bakit I feel good kapag nag-yoyosi ako. kahapon, nag-uwi ako ng lighter at half pack, itinago sa pinakatagong bulsa ng bag ko.
linggo, ginising ako ng nanay ko. nawala ang antok ko nang makita kong hawak niya ang yosi at lighter ko. at dahil pupungas pungas pa ko, hindi na gumana ang utak ko para magawan ng paraan na magsinungaling. after 4 years, inamin ko na ang totoo. masakit makitang magalit at maiyak ang nanay ko sa disappointment. alam ko, nagkamali ako dahil may choice naman ako. pero buhay ko naman to, ako naman ang gumagawa ng kapalaran ko at masakit tanggapin na in a way, pinili kong saktan ang nanay ko, pati na ang tatay ko. hindi ko akalain na magsasabay-sabay lahat ngayon. mistulang di ko na maidilat ang mata ko sa kakaiyak. mahirap mag-sorry. mahirap amining nagkamali ka. pero alang-alang sa nasirang tiwala ng nanay ko, hihingi ako ng tawad at mangangakong hindi na na magyoyosi kailanman. kahit pa hinusgahan niya ako, kahit pa nasaktan ako sa mga sinabi niya, kahit sa paningin niya masama akong babae--hihingi ako ng tawad.
Good girl! Pero titigil ka na ba talaga? Posible naman, take it from me. :)
ReplyDeletethanks kaloy, I will.
ReplyDeleteThe need for it is just a state of mind. Mapapatawad ka din ng parents mo. :)
ReplyDelete