bakit nga ba mas masaya noon kesa ngayon?
1. hindi ko kailangang paghirapan ang perang ginagastos ko noon. weekly, may 2,000 pesos ako na pwedeng gastusin para sa apat na araw na pagpasok sa eskwela. ngayon, 1,500 ang budget ko para sa limang araw na pasok sa opisina. 300 per day-200 pamasahe, 100 tanghalian. eh pano kung gusto kong mag-almusal at meryenda?
2. 3 subjects per day, 1 1/2 hours each. may break pa in between. pili ka ng gusto mong gawin: matulog, kumain, mag-internet, makipag-kulitan sa housemates. Ngayon, 8 hours kaharap mo ang computer at wala kang kalaban labang binabagsakan ng mga trabaho. Yung 8 hours, pwede pang mag-exceed. No choice, you're being paid.
3. ang prof, 1 1/2 hours mong kasama. ang boss, maghapon (maliban kung may meeting siya. hehehe)
4. sawa-sawa ako sa tulog noon. syempre, pwedeng piliin ang sked. bat ba ako pipili ng 7am calss kung may mas late naman sa kanya. may oras pa ko para mag-walwal sa gabi >:) ngayon, after office hours, sabaw na ang utak mo, masakit na ang likod at batok mo, hindi mo na maiisip mag-walwal, itutulog na lang at maaga pang papasok bukas.
5. ano ba naman kung malunod ka sa dami ng reaction papers, reflection papers, exams, kesa gumawa ka ng business report, proposal, inventory, mag-call out sa branches sa buong pilipinas, magtawag ng kliyente at problemahin ang problema ng mundo. I swear, ibalik niyo ako sa academic world at kahit ilang papers pa yan, gagawin ko.
6. noon, may panahon ka para sa mga kaibigan mo. ngayon, alangan ka nang mag-sleep over dahil sleep deprived ka. kanya-kanya na kayong buhay ngayon, kailangan magkasundo kung kailan pwede magkita. kumpara noon, halos maging magkakamukha na kayo sa dalas ng pagsasama niyo.
Ang masakit lang, nakaraan na yan, tapos na at di na pwedeng ibalik.
Ilan lang yan sa mga naisip kong isulat bago ko i-set ang utak at katawan ko na gawin ang trabaho ngayong gabi.
/wrist
And that's the sad fucking reality of life. Hoho.
ReplyDeleteGusto ko na ngang mag-asawa ng mayaman. Tapos hahayaan ko syang magtrabaho ng fulltime tas ako, magsusulat na lang sa bahay. /wrist
ReplyDeleteloooooord i so hate my fuckin job
ReplyDeleteIsipin mo na lang, you have two people there whom you can really trust. Na pwede mong paglabasan ng kung ano mang sama ng loob. Mas mahirap yung wala kang kilala, at mga plastic pa yung mga tao sa paligid mo. Haha.
ReplyDeletehay nako kahit isipin ko pa yan hindi na magbabago ang tingin ko sa trabaho ko. ayoko na talaga sa ginagawa namin.
ReplyDelete